^

PSN Palaro

NAGBUBUNYI ANG BARANGAY!

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Kung 100 percent healthy si Eric Menk, marahil ay nandun sa upper half ng standings ng PBA Smart Fiesta Conference ang Barangay Ginebra. Iyan ang pakiramdam ng mga sumusubaybay sa pinakasikat na liga sa bansa.

Kasi nga, sa line-up ng Gin Kings, si Menk lamang ang manlalarong nakapagbulsa ng Most Valuable Player award. So natural na siya ang karapat-dapat na maging team leader. Hindi naman ganoong katagal nang makamtan niya ang MVP citation, hindi ba?

So, siya talaga ang gulugod ng team.

Ang problema’y hindi siya palaging 100 percent healthy. Palagi siyang may dinaramdam.

Ito marahil ang dahilan kung bakit kinailangan ng Gin Kings na makakuha ng isang dominant big man bilang import. Mabuti na nga lang at dumating sa kanilang poder si Chris Alexander na isang monster rebounder!

Nung huling magkampeon ang Gin Kings, kumpletung-kumpleto pa sila. Healthy si Menk. Wala ding injury si Rafi Reavis. Hindi pa nagreretiro si Johnny Abarrientos. Naglalaro pa si Rudy Hatfield. At siyempre, matinding-matindi sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand.

Ngayon, sina Caguioa at Helterbrand na lamang ang consistent. At kamakailan lang, nagkaroon pa nga ng injury si Caguioa kung kaya’t si Helterbrand ay napilitang mag-double time!

Ipinakita ni Helterbrand na kaya niyang buhatin sa kanyang balikat ang Gin Kings at dahil doon ay pinarangalan siyang Player of the Week ng PBA Press Corps nang dalawang sunod na linggo.

Kumbaga sa kanta ni Rico Puno: Masarap alalahanin ang ‘good old days!’

Iyon ang gustong madama ng Ginebra fans ulit, e.

Well, si Menk nga lang ang kailangang magbalik sa dating porma para mangyari iyon.

Kapag tinignan ang mga numero ni Menk sa sampung games na nilaro niya so far sa Fiesta Conference, makikitang ang baba ng mga ito. Biruin mong ang average lang niya ay 3.4 puntos, 4.7 rebounds, 0.7 assist, 0.1 steal, 0.3 blocked shot at isang error sa 18.6 minuto.

Kaya niyang triplehin ang mga numerong iyon, e. Pero dahil sa hilahod pa siya’y hindi nga niya magawa yung dati niyang ginagawa.

Ang maganda nga lang diyan ay nakaalis na sa ibaba ng standings ang Gin Kings. Matindi ang kanilang naging arangkada at kung sila’y makakabawi sa Alaska Milk sa kanilang paghaharap bukas, aba’y baka makasungkit pa sila ng automatic quarterfinals berth!

Kung ngayong hindi pa gaanong makaporma si Menk ay nakakausad na ang Barangay Ginebra, ano pa kung manumbalik ang dating tikas ni Major Pain?

ALASKA MILK

BARANGAY GINEBRA

CAGUIOA

CHRIS ALEXANDER

GIN KINGS

HELTERBRAND

MENK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with