Tangka ni Warren Kiamco na maka-dalawang sunod na panalo sa First Senate President Manny Villar Cup na mag-bubukas ng Cebu Leg bukas sa Trade Hall ng SM City in Cebu .
Bumangon si Kiamco mula sa losers’ bracket nang kanyang igupo ang pool icon na si Efren “Bata” Reyes sa finals upang pagharian ang kickoff leg ng Villar Cup noong May 10 sa Sports Center ng Star Mall Alabang sa Muntinlupa City.
“Sana makaulit ako. Alam ko mahirap pero gagawin ko lahat,” wika ng 38 gulang na si Kiamco. “Mas masarap sana kung mananalo ako sa harap ng mga kapwa ko Cebuano,” dagdag ng pamba-to ng Negros Billiards Stable ni Jonathan Sy na nagbulsa ng P400,000 top purse sa kanyang panalo sa first leg ng tor-neong ito na hatid ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports, sa pakikipagtulungan ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines at isponsor ng Camella Communities.
Kung nahirapan si Kiamco, three time Southeast Asian Games gold medalist, sa unang leg, inaasahang mas mahigpit na laban ang kanyang dadaanan ngayon dahil naririyan ang bagong World Pool Masters champion na si Alex Pagulayan at former world no.1 Francisco “Django” Bustamante na makaka-sabak na ngayon sa torneong ito makaraang ‘di makasali sa unang leg dahil kumampanya sila sa Amerika.
Inaasahang babawi rin si Reyes at mahigpit na hamon din ang ibibigay nina two time world champion Ronnie Alcano, ang kasalukuyang world’s top ranked cue artist na si Dennis Orcollo, 2007 World Pool runner-up Roberto Gomez, reigning national titlist Lee Van Corteza at former Asian Games gold medalist Gandy Valle.
Pasok sa 64-man main draw sina Ramil Gallego, Joven Bustamante, Rodolfo Luat, Carlo Biado, Jharome Pena, Ricky Zerna, Jundel Mason, Elmer Haya at Benson Palce, kasama sina former national juniors champion Mark Mendoza at dating national team mainstay na si Benjie Guevarra.