Salumbides, 73

Sumakabilang buhay na ang beteranong sportswriter na si  Guillermo “Willie” Salumbides noong Martes ng gabi dahil sa matagal ng karamdaman. Siya ay 73 anyos.

Naiwan niya ang kanyang maybahay na si  Bienvenida Alfiler, mga anak na sina Sandra Cecile, Ray Ramon, Joven Jose, Guilbien Anthony, mga manu-gang, apo at apo sa tuhod.

Ang kanyang labi ay nakahimlay sa No. 1041 Maria Luisa St., Balic Balic, Sampaloc Manila. Ang cremation ay nakatakda pagkatapos ng misa sa alas-2 ng hapon sa Holy Trinity Parish Church sa  June 21 (Saturday).

Nagsimula si Salumbides sa kanyang sportswriting career sa Manila Times at nagsulat ng mga football stories. Nagtrabaho din siya sa Atlas Publishing at nag-sulat din tungkol sa shooting at ice-skating.

Bago yumao, nagsulat din siya sa Manila Standard Today.

Show comments