^

PSN Palaro

Helterbrand, PBAPC Player of the Week

-

Kung ang akala ng iba ay mapanganib na manlalaro si Jayjay Helter-brand dati, siguro kailangang muling bigyan ng pansin ang Barangay Ginebra point guard.

Muling sumingasing si Helterband  para sa Kings sa linggong ito, at ito ang naging dahilan upang piliin siya ng PBA Press Corps bilang Smart/Accel Player of the Week.

Ito ang ikalawang sunod na linggo na nabig-yan ng pagkilala ang ka-husayan ni Helterbrand, at maging kauna-unahang player sapul nang unang makuha ni Mark Cardona ng Talk N Text ang back to back citation mula sa PBA Press Corps noong 2006.

“We all know Jayjay is a very good offensive player, but he’s also been playing defense very well now. So he’s getting to a different level, when he added assists and defensive aspects to his game,” ani Ginebra coach Jong Uichico.

Sa kanilang 89-81 panalo laban sa Pure-foods noong nakaraang Miyerkules, tinampukan ng 17 puntos ang laro ni Helterbrand at nagpaulan ng pitong puntos sa final 3:02 ng kanilang laban sa Giants tungo sa tagumpay.

Sinundan ito ng impresibong 91-84 panalo laban sa Coca-Cola noong nakaraang Linggo mula sa dalawang malalaking play na nagbigay sa Kings ng sapat na espasyo para makapasok.

vuukle comment

ACCEL PLAYER OF THE WEEK

BARANGAY GINEBRA

HELTERBRAND

JAYJAY HELTER

JONG UICHICO

MARK CARDONA

PRESS CORPS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with