Aminado si Florante “The Little Pacquiao” Condes na malaki ang naging epekto ng kanyang mahabang pamamahinga sa pagkakahubad sa kanyang dating suot na world minimumweight crown.
“Talagang malaki ang epekto sa akin nu’ng long layoff ko. Pero ibinigay ko pa rin ang lahat ng makakaya ko,” wika kahapon ng 28-anyos na si Condes sa kanyang kabiguan kay Mexican Raul “Rayito” Garcia via unanimous decision para sa International Boxing Federation (IBF) mini-mumweight belt kamakalawa sa La Paz, Baja California Sur sa Mexico City.
Nakatanggap si Condes, tinalo si Muhammad Rachman noong Hulyo 7 sa Jakarta, Indonesia para sa bakanteng IBF minimumweight title, ng 112-115, 110-118 at 112-115 puntos laban kay Garcia, napabagsak pa niya sa 12th round mula sa isang right hook.
Kumpara kay Condes, masusi namang napag-aralan ng kampo ni Garcia ang mga nakaraang laban ng tubong Sampaguita, Looc, Romblon.
“Alam nila na hindi sila makakasabay sa akin kapag dikitan ang laban, kaya puro takbo ang ginawa ni Garcia,” sabi ni Condes sa Mexican fighter. “Hindi ko talaga siya mahuli. Siguro nu’ng mga round 10 nakuha ko na siya pero kulang na sa oras.”
Ang nasabing kabiguan ang naghulog sa win-loss-draw ring record ni Condes sa 22-4-1, kasama pa rin ang 20 KOs, habang umakyat naman sa 23-0-1 (15 KO’s) ang card ni Garcia.
Samantala, posible na-mang maitakda ang paghaha-mon ni Filipino light flyweight challenger Juanito Rubillar, umiskor ng isang split decision kay dating world champion Omar Nino sa kanilang title eliminator kahapon sa Palacio delos Portes, Mexico City, kay World Boxing Council (WBC) Edgar Sosa ng Mexico sa Setyembre.
Kagaya ni Rubillar, naging matagumpay rin ang pang limang title defense ni Sosa kay Japanese challenger Takashi Kunishige via eight-round TKO. (Russell Cadayona)