3 RP record winasak ni Molina
Tatlong Philippine records ang sinira ni Fil-American national swimmer Miguel Molina sa katatapos na 2008 Janet Evans International Invitational sa
Sapat na ito upang maging kumpiyansa ang Philippine Amateur Swimming Association (PASA) sa tsansa ng 23-anyos na si Molina sa darating na 2008 Olympic Games sa Beijing, China sa Agosto 2-24.
Winasak ni Molina, pambato ng University of California, ang dati niyang rekord 2:03.46 sa men’s 200-meter Individual Medley sa Japan Open noong 2007 para sa bagong tiyempong 2:03.22 bilang fourth-placer sa Janet Evans International Invitational.
Ibinasura rin ni Molina, lumangoy ng apat na gintong medalya sa 24th Southeast Asian Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand, ang luma niyang 1:52.67 sa 200m freestyle noong 2007 Melbourne World Championships para sa bagong 1:52.56.
Ang bilis naman niyang 2:16.62 sa 200m breaststroke ang sumira sa kanyang dating 2:16.88 na ipinoste niya sa 2005
Sa 2007 Thailand SEA Games, dinomina ni Molina ang mga kompetisyon sa men’s 200-meter individual medley, 400-m individual medley at 200-m breaststroke bukod pa sa pangunguna kina Daniel Coakley, James Walsh at Ryan Arabejo sa paghahari sa men’s 4x100 medley relay.
Maliban kay Molina, ang iba pang national tankers na lalahok sa 2008 Beijing Games ay sina Coakley, Walsh, Arabejo at Cristel Simms. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending