Orcollo may pinatunayan
Pinatunayan ni Dennis Orcollo kung bakit siya ang kasalukuyang world’s top-ranked cue artist nang idimolisa nito sina two-time world champions Ronnie Alcano at Efren “Bata” Reyes nang maghari ito sa four-man winner-take-all showdown noong Lunes ng gabi sa One-Side Billiards sa Manila.
Ang panalo ay nagbigay kay Orcollo ng halagang P200,000 premyong nakataya sa isang araw na torneong ito na inorganisa ni Rolando Vicente at suportado ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines, Puyat Sports, Bugsy Promotions at Negros Billiards Stable.
Malakas na binuksan ni Orcollo ang kanyang kampanya nang ilang beses niyang pigilan ang pagbangon ni Alcano bago itala ang 18-14 tagumpay.
At ito rin ang nagtakda sa kanyang pakikipagtipan kay Reyes, na tumalo kay reigning national champion Lee Van Corteza, 18-13 sa kanilang preliminary match.
Bumangon si Orcollo mula sa 4-rack deficit bago naglatag ng 14-3 run tungo sa panalo.
“I’m very happy for this win. To be able to beat two world champions is such a tall order, that’s why I’m so glad I did it,” wika ng 29 anyos na tubong Surigao del Sur. “I feel like I’m at my best game now, I just hope I could sustain this good game.”
- Latest
- Trending