^

PSN Palaro

Celtics, nakauna

GAME NA! - Bill Velasco -

Nasungkit ng Boston Celtics ang Game 1 ng NBA finals, at malaki ang naiambag ng isang iika-ikang Paul Pierce sa second half.

Tila nahirapan ang Celtics sa simula, pero hindi gaanong nakaporma ang MVP ng liga na si Kobe Bryant, lalo na noong napilayan at pansamantalang nawala si Paul Pierce para sa Celtics.

Sa pananaw ko, tatlo ang tagpong nagpanalo para sa Boston sa isang mahigpit na laban.

Una, ang pamamayani ni Pierce sa simula ng third quarter.

Kinabahan ang marami nang mabagsakan si Pierce ng kakamping si Kendrick Perkins, na nagtatangkang manupalpal. Lumabas si Pierce sa laro, hawak ang tuhod.

Subalit, sa kanyang pagbabalik, sunud-sunod na pagbubuslo ang naitala ni Pierce. Walong sunod na puntos at dalawang assist sa unang tatlong minuto ng third quarter, at umarangkada ang Celtics, nabuhay ang mga manonood, at bahagyang nayanig ang Lakers.

Ang pangalawang pangyayari: matapos ang unang minuto ng fourth quarter, tumalon papuntang backcourt si Kevin Garnett upang iligtas ang isa sanang backing violation. Nakaiskor ang Celtics, at naging sunud-sunod din ang kanilang pagbubuslo.

Ang huli: sa 1:49 ng fourth quarter, lamang ang Celtics, 91-86.

Naipasok ni Rajon Rondo ang unang free throw. Nagmintis ang pangalawa, subalit nakuha ni Garnett at nakakuha ng magandang dunk. Naging walo ang kanilang lamang, at di na mahabol pa ng Los Angeles.

Isa sa mga pagkakamaling inamin ni Phil Jackson sa larong ito ay ang pagbago niya sa pagpasok ng tinaguriang “Bench Mob” ng Lakers. Karaniwan, nagsasabay-sabay sa loob ng court sina Sasha Vujacic, Jordan Farmar, Ronnie Turiaf at Luke Walton ay hindi nabigyan ni Jackson ng pag-kakataon na magsabay-sabay sa laro. Dahil dito, 15 puntos lamang ang kanilang naitala, ay kinapos sila sa angas sa depensa.

Isa pang malaking problema ng Lakers ay halos malunod sila sa rebounding laban sa Boston. Bagamat maganda ang inilaro ni Pau Gasol, bugbog sa ilalim ang mga Lakers. Dagdag pa rito, puro jump shot lang halos ang itinira ni Bryant, na inasahan ng Lakers na magdadala ng koponan.

Bukas ang Game 2 sa Boston. Ano kaya ang mga sorpresang inihanda para sa atin ng dalawang koponan?

BENCH MOB

BOSTON CELTICS

CITY

ISA

PAUL PIERCE

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with