Knockout ‘di sigurado ni Gorres vs Otieno
Hindi nangangako si dating world super flyweight title contender Z “The Dream” Gorres ng isang knockout laban kay Kenyan bantamweight fighter Nick Otieno ukol sa kanilang banggaan sa Mayo 31 sa Waterfront Cebu City Hotel & Casino.
“Hindi ko masasabing kaya ko siyang i-knockout kasi darating naman ‘yung chance na ‘yon eh. Basta ibibigay ko lang ang lahat ng makakaya ko para manalo sa kanya,” sabi kahapon ni Gorres, ang kasalukuyang International Boxing Federation (IBF) Inter-Continental super flyweight champion.
Dumating na kamakalawa ang grupo ni Otieno para sa kanilang upakan ni Gorres, hangad na muling makakuha ng title shot kay World Boxing Organization (WBO) super flyweight titlist Fernando Montiel ng Mexico.
Sakaling manalo kay Otieno, posible ring maging mandatory challenger ang 26-anyos na si Gorres sa mananalo sa pagitan nina IBF super flyweight king Dimitri Kirilov ng Russia at Armenian challenger Vic Darchinyan.
“Sa tingin ko mas malakas si Kirilov kay Darchinyan kasi matagal ko na ring nakasparring si Dimitri Kirilov sa Wild Card Gym ni coach Freddie Roach sa US, kaya alam ko ang lakas niya,” pagkukumpara ni Gorres.
Dadalhin ni Gorres ang
Samantala, determinado naman si Mexican challenger Raul “Rayito” Garcia (22-0-1, 15
“I will conquer. I’m going to fight smart. I will attack with all my boxing skills and power,” pananakot ni Garcia kay Condes. (RCadayona)
- Latest
- Trending