^

PSN Palaro

SSC, Adamson nakauna na

-

Hindi naging balakid para sa San Sebastian College at Adamson University ang mahabang pahinga nang kapwa nagpakita ng kanilang husay sa panimula ng semifinal round ng Shakey’s V-League Season 5 sa The Arena sa San Juan.

Ipinoste ng Lady Stags ang 25-16, 25-19, 25-16 panalo kontra sa Lyceum.

Sa ikalawang laro, pinayuko naman ng Lady Falcons ang Ateneo, 25-16, 20-25, 25-22, 25-21.

Ipinakita nina Thai import  Bualee Jaroensri at Rysabelle Devanadera ang kanilang tunay na porma at kumana ng 31 hits upang pasikatan ang Lady Pirates na sina Bernadette Satsatin at Dahlia Cruz na nagtala lamang ng pinagsamang 10-hit output sa isang oras nilang bakbakan.

Bumangon naman mula sa ikalawang set na kabiguan ang Adamson upang igupo ang Ateneo sa single round semis ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza.

Nagtulong sina Neriza Bautista at Michelle Segodine para sa solidong net defense upang paamuhin ang power-hitting Thai import na si Em-Orn Phanusit sa huling dalawang sets para makumpleto ang tagumpay sa loob ng 1:40 sa ligang hatid din ng  Active White skin whitening products, Mail and More, ICT Call Center, 100Plus Energy Drink, Mikasa at Accel. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ACTIVE WHITE

ADAMSON UNIVERSITY

ATENEO

BERNADETTE SATSATIN

BUALEE JAROENSRI

CALL CENTER

DAHLIA CRUZ

EM-ORN PHANUSIT

LADY FALCONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with