^

PSN Palaro

Celtics vs Lakers inaabangan

SPORTS - Dina Marie Villena -

Masaya sigurong abangan ang Boston Celtics vs Los Angeles Lakers sa NBA championship.

Sana matuloy ang match na ito na magbabalik sa panahon noong sila pa talaga ang mahigpit na magkaribal at panahon nina Larry Bird at Magic Johnson.

Pero kailangang lusutan muna ng Boston ang Detroit Pistons at manalo naman ang Lakers sa magwawagi sa pagitan ng San Antonio Spurs at New Orleans Hornets.

* * *

Bilog talaga ang bola pagdating sa mga laban ng championship. Akalain mo nasilat ng All-Star team ang malakas at defending champion Philippine Daily Inquirer, na may twice-to-beat advantage sa finals ng 2nd Media Sport Club Tenpin bowling tournament na ginanap noong Sabado sa Puyat Sports Bowling Inn.

So ang kinalabasan champion ang All-Star sa Division 1 at runner-up ang PDI. Nag-second naman ang Abante at third placer ang Philippine Star, na two years pa lamang nag-simula sa tenpin bowling.

Sa Division 2 naman, nagkampeon ang Aboitiz/SuperFerry, runner-up ang Greenfields, 2nd ang Manila Standard at 3rd ang MSC.

So kahit na two years pa lamang naglalaro ng tenpin bowling ang Star bowlers, hindi naman pahuhuli pagdating sa individual awards kung saan dalawang babae ang pumasok sa top ten--sina Perla De Lara at Delia Saguid Nuñez na 4th and 5th, ayon sa pagkakasunod at Lito Angelo na 10th sa men’s.

Ang iba pang kasama sa men’s top 10 ng torneong hatid ng Coca-Cola Export Corp., PAGCOR, Unilever Phils. at Barako Coffee Energy Mix ay sina  Ver Florez (All-Star), Jojo Venzon (Aboitiz), Abel Ulanday (PDI), Estong San Agustin (MSC), Song Quinit (Abante), Joey Lim (All-Star), Eds Rivera (Greenfields), Albert Esternon (Abante), Ian Yambao (Aboitiz), at Lito Angelo.

Sa kababaihan naman, sina Nerissa Publico (Abante), Susan Lemon (All-Star), Belinda Good (PDI), Perla De Lara (Phil. Star), Delia Nuñez (Phil. Star), Nora Beltran (All-Star), Maria Bejoc (Aboitiz), Blesilda Good (Manila Standard), Anita Gabat (Greenfields) at Eliza Mananzala (Abante).

Congrats sa lahat ng winners and see you again next year!

vuukle comment

ABANTE

ABOITIZ

GREENFIELDS

LITO ANGELO

MANILA STANDARD

STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with