Hindi lamang ang dalawang pinakama-husay na koponan nga-yon sa amateur league ang matutunghayan sa paghataw ng 2008 PBL Lipovitan Amino Sports Cup Finals, kundi ang dalawang star material na sina Jason Castro at Fil-Am Gabe Norwood.
Sa likod ng 5-foot-11 na si Castro, umabante sa kanilang pang limang sunod na finals appearance ang Harbour Centre, habang naging sandigan naman ng Hapee Toothpaste ang 6’4 na si Nor-wood para sa kanilang ikalawang sunod na finals stint.
Tumipa si Castro ng 13 sa kanyang 25 puntos sa fourth quarter para igiya ang Batang Pier sa 73-69 paggupo sa San Mig Coffee Kings sa Game 3 patungo sa pagwalis sa kanilang best-of-five semifinals series sa 3-0.
“Jason can take charge in a game when he wants to,” wika ni coach Jorge Gallent sa dating King Dolphin ng Philippine Christian University na tatayong import ng Singa-pore Slingers sa 2008-2009 season ng Australian National Basketball League (ANBL) sa Hulyo.
Humataw naman si Norwood ng 17 marka, 13 rito ay kanyang kinayod sa first half, para sa 77-72 panalo ng Complete Protectors sa Burger King Whoppers sa Game 4 para wakasan ang kani-lang semis showdown sa 3-1.
“Norwood may not score a lot, but he does a lot of the intangibles that aren’t reflected in the stats,” sabi ni mentor Louie Alas sa produkto ng George Mason University sa US NCAA.
Bago naglaro sa PBL, nakita muna sa aksyon si Norwood sa Philippine Team ni national coach Chot Reyes sa 2007 FIBA-Asia Olympic qualifying tournament sa Tukoshima, Japan.
“Definitely, that’s a match up to look forward in the finals. Their race for the MVP award adds an intriguing subplot in the title series,” ani PBL Commissioner Chino Trinidad sa Castro-Norwood duel. (Russell Cadayona)