^

PSN Palaro

Seryoso na ang Giants

-

Matapos mapigilan ng Purefoods Tender Juicy ang kanilang tatlong sunod na kamalasan mula na rin sa pagparada sa isang defense-oriented import, nakakangiti na ngayon si coach Ryan Gregorio.

“We have regained our confidence,” ani Gregorio matapos umiskor ang Purefoods ng isang 88-78 panalo kontra nagdedepensang Alaska Aces noong nakaraang linggo sa Calape, Bohol na tinampukan ng paglalaro ni 7-foot-1 Moroccan reinforcement Reda Rhamili. “He (Rhamili) answered our problems in rebounding and interior defense.”

Hangad ang kanilang ikalawang sunod na panalo, sasagupain ng Purefoods ang Magnolia ngayong alas-7:20 ng gabi matapos ang labanan ng CocaCola at Air21 sa alas-4:50 ng hapon sa classification phase ng   2008 PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Hawak ng Red Bull ang pangunguna mula sa  7-2 kartada kasunod ang Tigers (6-3), Talk ‘N Text (6-3), Sta. Lucia (5-3), Express (4-4), Beverage Masters (4-4), Giants (3-4), Welcoat (3-6), Aces (3-6) at Ginebra (1-7).

Sa naturang tagumpay laban sa Alaska, tumipa si Rhamili, produkto ng St. Mary’s Gaels sa US NCAA at isang many-time member ng Moroccan national team, ng 14 marka bilang kapalit ng top scorer na si Darius Rice.

Nagbuhat naman ang Beverage Masters ni Siot Tanquingcen sa isang 92-106 pagkatalo sa Tigers noong  Biyernes.

Sa unang laban, kapwa namang pipilitin ng Coke, nakalasap ng isang 91-99 kabiguan sa Alaska kamakalawa, at ng Air2, nakatikim ng 100-113 pagkatalo sa Sta. Lucia noong Linggo, na makabawi mula sa magkahiwalay nilang pagyukod. (Russell Cadayona)

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BEVERAGE MASTERS

DARIUS RICE

FIESTA CONFERENCE

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with