^

PSN Palaro

FEU seniors, Ateneo juniors malapit na sa sweep

-

Isang panalo na lamang ang layo ng Far Eastern U para ma-sweep ang kanilang mga laban sa group stages, matapos ang magaang 80-47 panalo kontra sa San Beda-Alabang sa seniors division ng Nike Summer League basketball tournament nitong Martes sa Far Eastern U Gym.

Nagpakawala ang Tamaraws ng 32-7 third-quarter blitz at ‘di na nakarekober pa ang San Beda-Alabang para sa ikaanim na panalo ng Tams at isang panalo na lang para ma-sweep ang Group C,

Nasilat naman ang Letran sa FEATI 76-72.

Na-outscore ng FEATI ang pinapaborang Knights sa ikaapat na quarter, 28-21 upang itala ang upset sa Group D.

Ang FEATI, 10-0 sa fastbreak-points department at 15-4 sa points sa turnovers, ay umangat sa 4-2 habang bumagsak naman ang Letran sa 3-2.

Sa juniors action kahapon, naiposte ng Ateneo ang ikalimang sunod na tagumpay matapos ang magaang panalo sa Don Bosco-Makati 93-42.

Inilampaso naman ng San Beda ang Informatics 83-69.

Samantala, tangka ng De La Salle ang win no.4 sa pakikipagharap sa Adamson sa FEU Gym sa alas-2:30 ng hapon.

Ang La Salle ay may 3-0 at ang Adamson ay 4-1 sa Group A sa likod ng walang larong Mapua 5-0.

ADAMSON

ANG LA SALLE

DE LA SALLE

DON BOSCO-MAKATI

FAR EASTERN U

FAR EASTERN U GYM

SAN BEDA-ALABANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with