Bulls nanatili sa pamumuno

Nagpaulan ang Red Bull ng 18-three-point shots upang igupo ang Welcoat, 109-88 na nagpanatili sa kanila sa liderato sa kasalukuyang 2008 PBA Fiesta Conference na nagpatuloy kagabi sa Araneta Coliseum.

Sumulong sa ikalawang sunod na panalo ang Red Bull, ikapito sa kabuuang siyam na laro habang nalaglag naman ang Welcoat sa 3-6 kartada.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang nakikipaglaban ang Coca-Cola (6-2) sa defending champion na Alaska Aces (2-6) kung saan hangad ng Tigers na saluhan sa liderato ang Red Bull.

Humakot si Warren Ybañez ng career-high 14 point tampok ang kanyang 4-of-5 three-point shooting sa likod ng 18-puntos at 17-puntos ni Cyrus Baguio at ni import Parada.

“I just told the boys not to be too complacent against Welcoat since they have learned to win after beating the likes of Magnolia, Purefoods and Talk ‘N Text,” ani coach Yeng Guiao sa Red Bull,

Kumana din si Mick Pennisi ng apat na tres sa second half at tatlo naman kay Mike Hrabak.tungo sa pagposte ng Bulls ng 33-puntos na kalamangan, 82-49 patungo sa huling 4:21 minuto ng labanan.

Nagsagawa ng rally ang Dragons ngunit sapat lang ito para makalapit sa 60-82. (MBalbuena)

Show comments