^

PSN Palaro

Manalo, Gabica wala pa ring talo

-

Nanatiling walang talo sina Marlon Manalo at Antonio Gabica sa $30,000 Mandaluyong Mayor’s Cup 10-ball championship upang makapasok sa Final Four sa Kaban ng Hiyas Auditorium.

Nalusutan ng pambato ng Mandaluyong na si Manalo ang pinapaborang si Thorsten Hohmann, 9-8. May pag-asa pa ang German player kung makakalusot ito sa loser’s bracket kung saan dalawang laban ang kanyang dadaanan habang sinusulat ang balitang ito.

Naging magaan naman ang panalo ni Gabica, reigning Asian Games gold medal winner sa kababayang si Mario Tolentino, 9-5 para makapasok sa semifinals sa  winner’s draw.

Naghihintay ang 35-gulang na si Gabica ng kalaban sa semifinal tulad ni Manalo. Walong players ang naglalaban-laban sa loser’s bracket.

Mula sa 1-3 deficit, nakabangon si Gabica nang kunin nito ang limang sunod na racks upang manatili ang tsansa sa $10,000 winner’s purse.

Nasibak si  Johnny Archer matapos ang 9-7 kabiguan kay Leonardo Didal. Nasibak naman si Didal ni Jericho Banarez, reigning RP junior champion, 9-7.

Nanalo naman si Banarez sa loser’s side kay Canadian Gary Watson, 9-6 para itakda ang laban kay Didal.

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

CANADIAN GARY WATSON

FINAL FOUR

GABICA

HIYAS AUDITORIUM

JERICHO BANAREZ

JOHNNY ARCHER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with