^

PSN Palaro

TEAM PLAYER ANG KAILANGAN

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Magaling kung sa magaling si Darius Rice na siyang original import ng Purefoods Tender Juicy Giants.

Katunayan ay excited na excited si coach Paul Ryan Gregorio nang makuha nila ito hindi dahil sa may rice shortage sa bansa ha. Excited si Gregorio at ang Giants dahil sa “blue chip” import talaga ito. Ang taas ng kanyang shooting percentage buhat sa three-point area. Katunayan ay nagtala siya ng scoring record sa finals ng NBDL. Nakapaglaro din siya sa China, Poland at Venezuela.

Isa si Rice sa mga imports na huling dumating sa bansa. Pero okay na rin iyon kay Gregorio dahil sa maganda naman talaga ang credentials nito. At highly recommended pa.

Sa kanyang debut bilang import ng Purefoods ay nagtala siya ng 56 puntos upang tulungan ang Giants na magwagi kontra Magnolia sa double overtime, 127-126. Pero iyon na ang pinakamataas na output ni Rice at siguro ng sinumang import sa PBA Fiesta Conference.

Gumawa siya ng 37 puntos sa sumunod na game laban sa Coca-Cola subalit naungusan ng Tigers ang Giants, 109-108.

Sa ikatlong laro niya ay nalimita siya sa 14 puntos at hindi pa nga niya natapos ang game laban sa Air 21 dahil sa nabaliko ang kanyang ilong. Pero isinalba ng mga locals ang Purefoods at nagwagi ang Giants sa Express, 102-94.

Iyon na ang huling panalong natikman ng Giants. Buhat sa 1-2 record ay bumagsak na ang tropa ni Gregorio sa 2-4. Tinalo sila ng Red Bull, 98-96 at pagkatapos ay sila ang unang nabiktima ng Welcoat Dragons, 110-103 bago nagbreak ang torneo para sa 2008 All-Star Weekend. Pagbalik galing sa break, sila ulit ang unang nabiktima ng Barangay Ginebra, 102-99 noong May 2.

Umabot na sa sukdulan para kay Gregorio ang lahat at pinauwi niya si Rice. Kinuha ng Purefoods bilang kapalit ang Moroccan national team member na si Reda Rhalimi na ipaparada nila kontra Alaska Milk sa out-of-town game sa Calape Sports Center sa Bohol mamayang 4:30 pm.

Ang 7’0 na si Rhalimi ay huling nakapaglaro para sa PAOK team sa Greek league kung saan nag-average siya ng 10.5 puntos, 5.1 rebounds at isang blocked shot.

Hindi natin alam kung mahusay na import itong si Rhalimi pero mas matangkad siya. At tila doon ang direksyong tinatahak ng mga PBA teams sa kasalukuyan. Sinusunod nila ang halimbawa ng Red Bull na kumuha ng seven-footer na import sa katauhan ni Adam Parada na siya ngayong sukatan ng mga import sa torneo.

Sa totoo lang, hindi naman talaga isang matinding scorer na katulad ni Rice ang kailangan ng Gants, e. Kasi, may apat na locals silang naga-average ng double figures sa scoring at ito’y sina James Yap, Kerby Raymundo (16.67), Peter June Simon (11.0) at Enrico Villanueva (10.17).

Ang kailangan nila ay isang rebounder at team player na hindi sasapaw sa mga locals.

Sana nga, ganoon si Rhalimi.

* * *

Lubos akong nagpapasalamat sa mga nakidalamhati sa aking pamilya sa pagpanaw ng aking amang si Amideo Zaldivar noong nakaraang buwan. Ipinaaabot ko ang aking taos pusong pasasalamat lalung-lalo na sa mga kababayan kong taga-Nabas, Aklan.

GREGORIO

PERO

PLACE

PUREFOODS

RED BULL

RHALIMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with