^

PSN Palaro

Reyes at 4 pang bigatin umusad

-

Umusad sa quarterfinals sina former Asian Games gold medalist Gandy Valle, top cue artists Efren ‘Bata’ Reyes, Dennis Orcollo, Antonio Lining at Warren Kiamco sa First Senate President Manny Villar Cup Billiards Tournament kahapon na ginaganap sa Sports Center ng Star Mall Alabang sa Muntinlupa City.

Mainit ang simula ni Valle at pinigilan nito ang ilang beses na paghahabol ni Ramil Gallego tungo sa 9-5 panalo.

Bumangon naman si Reyes sa 3-1 deficit matapos kunin ang walong sunod na racks upang igupo ang rising star na si Benjie Guevarra, 9-3, para makasama sa Last 8.

Sa ikalawang pagkakataong paglahok sa P1 million-plus event na ito kung saan naka-bye ito sa first round bago igupo si reigning national champion Lee Van Corteza, 8-3, binuksan ni Valle ang laban kay Gallego, sa 7-2 lead.

Dinurog naman ni current world no.1 Orcollo si Ricky Zerna, 9-2 sa isa pang last 16 match.

Makakaharap ni Valle ang kapwa Asian Games gold medalist Antonio Lining na muling nanalo kay 2007 national juniors champion Mark Mendoza, 9-6.

Nakalapit din sa P400,000 top purse sa five-day competition na ito na inorganisa ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP), at suportado ng Puyat Sports, Bugsy Promotions, Negros Billiards Stable at Star Mall ay sina Warren Kiamco, former Southeast Asian Games gold medalist na dumurog kay fellow veteran internationalist Rodolfo Luat, 9-3.

Makakaharap ni Kiamco ang kanyang kasama sa NBS ni Jonathan Sy, na si Elmer Haya na sumibak kay Joven Bustamante, 9-4.

Pinaglalabanan pa ang huling dalawang quarterfinal slots nina Lee Van Corteza versus Carlo Biado, at Jundel Mazon versus Jharome Peña habang sinusulat ang balitang ito.

Samantala, sumulong sa ikaanim na sunod na panalo si Joey Pardales  matapos igupo sina Ricky Gamboa at John Rebong sa parehong score na 7-5, para pangunahan ang Search for the New Billiards Idol Sipag at Tiyaga Edition na may P200,000 top prize.

Ang isa pang Final-Four match ay ang laban nina Benson Palce, tumalo kay JR Sorio ng Samar, 7-3 at Ato Baliton ng Plaridel Bulacan na nanaig kay  Eljun Abellana ng  Cebu, 7-6.

vuukle comment

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

ATO BALITON

BENJIE GUEVARRA

BENSON PALCE

LEE VAN CORTEZA

WARREN KIAMCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with