Walang naging kalaban ang Fil-Am na si Gabe Norwood ng Hapee Toothpaste sa Slam Dunk competition ngunit pumukaw din ng pansin ang dalawang players na nanalo sa kanilang events sa 2008 PBL Showcase kahapon sa The Arena sa San Juan.
Umiskor ang 6-foot-5 na si Norwood ng perfect scores sa tatlong rounds na tinapos niya ng windmill dunk na umani ng papuri mula sa crowd.
Ang pinagsamang lakas at ganda ng dakdak ng 6-foot-5 na si Norwood ang dahilan para makakuha ito ng perfect score mula sa limang judges na kinabibilangan ni three-time PBA slam dunk champion KG Canaleta ng Air21,ang kampeon sa taong ito ng Slam dunk contest ng PBA na si Kelly Williams ng Sta. Lucia at Roger Yap ng Purefoods.
Hindi naidepensa ni Rey Guevarra ng Bacchus Energy Drink ang kanyang titulo dahil nagkaroon ito ng injury.
May 11 partisipante lamang sa slam dunk contest dahil hindi nakasali ang anim bunga ng iba’t ibang injury.
Pinagharian naman ng bibihirang gamitin na si Nichos Popus ng Burger King ang Three-Point Shootout.
Tinalo niya ang kanyang mas sikat na teammate na si Mike Bravo (7) at Reed Juntilla ng Hapee Toothpaste (3).
May 16 players ang nakibahagi sa 3-Point Shootout ngunit anim lamang ang nakapasok sa finals na kinabibilangan nina Bravo at Noy Javier ng Noosa Shoes na may tig-17 points bawat isa.
Pumukaw din ng pansin si Lomer Losentes ng San Mig Coffee sa paghahari sa Obstacle Challenge.
Sina Norwood, Popus at Losentes ay kumulekta ng tig-P5,000 bukod pa sa eleganteng trophies.
Inagawan ni Losentes si Jason Castro ng Harbour Centre na hindi muna mag-aaplay sa PBA upang lumaro sa Australian National Basketball League sa September.