^

PSN Palaro

Dragons muling nanalasa

-

Muling nanalasa ang Welcoat Dragons nang kanilang dagitin ang mas pinapaborang Magnolia Beverage, 108-101 sa pagbabalik aksiyon ng Smart PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum matapos ang pagdaraos ng All-Star week.

Hindi inaasahan ni interim coach Caloy Garcia na muli silang makakasilo ng panalo na  unang nanalo sa Purefoods noong Abril 20, 110-103 matapos mabigo sa kanilang unang apat na asignatura.

“Akala ko it’s gonna be a long while before we get another win,” ani Garcia, “But I guess my players showed their character again and everybody is starting to know their roles in the team.”

Nagbida sa Welcoat si  import Marquise Gainous sa kanyang tinapos na 32-puntos, 24 nito sa second half tungo sa pagsulong ng Dragons sa 2-4 kartada habang bumagsak naman ang Beverage Masters sa 3-3 panalo-talo.

Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang nangungunang Coca-Co-la (5-1) at Red Bull (4-1) habang sinusulat ang balitang ito.

Sa likod nina Gainous, Ryan Araña, Joe Devance at Jay-R Reyes,  kinuha ng Dragons ang 95-86 kalamangan papasok sa huling 2:49 minuto ng labanan bago nakadikit ang Beverage Masters sa 93-98 sa natitirang 46.6 segundo mula sa three-pointer ni Dondon Hontiveros.

Sa iba pang balita, dumating na ang bagong reinforcement ng Ginebra na si seven-foot-1 at 260-pounder Chris Alexander para pumalit kay Ernest Brown.

Ang 27-anyos na si Alexander, produkto ng Iowa State, ay tumipa ng 11.6 puntos at 11.2 rebounds per game average sa kabuuang 40 laro para sa Sioux Falls Skyforce sa National Basketball Development League (NBDL).

ARANETA COLISEUM

BEVERAGE MASTERS

BUT I

CALOY GARCIA

CHRIS ALEXANDER

DONDON HONTIVEROS

ERNEST BROWN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with