^

PSN Palaro

RP Youth Team kikilatisan

-

Sisimulan ng Nokia RP Youth team ang kanilang kampanyang mabawi ang SEABA junior men’s championship sa pakikipagharap sa defending champion at host team Malaysia sa MABA gym sa Kuala Lumpur ngayon.

Ang game-time ay alas-8:30 ng gabi kung saan determinado ang RP juniors na makagawa ng magandang simula sa opener ng torneo na magsisilbing regional qualifier para sa FIBA-Asia Youth Championship sa Tehran, Iran sa September.

Hindi maaaring matalo ang team dahil single round robin ang gagamitin at ang koponang may pinakamagandang record ay awtomatikong  idedeklarang kampeon.

Ang winner at runner-up ang kakatawan ng rehiyon sa Asian championship.

Inihayag ni Coach Franz Pumaren ang kanyang final 12 sa managers’ meeting kahapon at ito ay sina Fil-foreign players Kyle Nicolas Pascual at Norberto Bryan Torres at ang mga homegrown talents na sina Ian Paul Sangalang, Ryan Roose Garcia, Jed Manguera, Jaypee Mendoza, Samuel Joseph Marata, Frank Golla Jr., Mark Joel de Guzman, Joseph Emmanuel Tolentino, Gabriel Banal at Joseph Terso.

Umaasa si Tao Corp. president Jun Sy, ang No. 1 backer ng team na ang dalawang linggong training ng RP juniors sa United States at ang kanilang kampanya sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup ay sapat na para sa kanilang kampanya sa torneong ito.           (Nelson Beltran)

vuukle comment

COACH FRANZ PUMAREN

FRANK GOLLA JR.

GABRIEL BANAL

IAN PAUL SANGALANG

JAYPEE MENDOZA

JED MANGUERA

JOSEPH EMMANUEL TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with