Tangka ng Toyota Otis ang isa sa dalawang twice-to-beat advantage ticket sa quarterfinal round sa pakikipagsagupa sa San Mig Coffee ngayon sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup na magpapatuloy sa Emilio Aguinaldo College gym sa Manila.
Mula sa impresibong back to back wins, ang huli ay laban sa Noosa Shoes, 89-81 -- ang Sparks ang pinapaborang manalo laban sa Coffee Kings sa alas-4:00 ng hapong laban.
Kailangang manalo ang Sparks, kasalukuyang nakikisalo sa Pharex sa 7-7, sa Coffee Kings para makakuha ng twice to beat advantage sa susunod na round.
Hangad naman ng defending champion Har-bour Centre na makabawi sa nakaraang pagkatalo sa pakikipagharap sa Bacchus Energy Drink sa alas-2:00 ng hapon.
Samantala, ang PBL All-Star Showcase ay gaganapin sa Sabado sa The Arena sa San Juan.
Mayroon ding skills competitions kung saan paborito sina Jason Castro at Boyet Bautista ng Harbour Centre na manalo sa obstacle challenge.
Ang iba pang events ay ang Three-Point Shoot-out at Slamdunk Contest.
Sa pagkawala nina Beau Belga at Fil-Am guard Sol Mercado, nala-sap ng Batang Pier ang 99-97 pagkatalo sa Pharex nitong Sabado na kani-lang kauna-unahang kabi-guan matapos ang record na 12-sunod na panalo.
Wala pang team na nanalo ng 13 sunod na laro matapos magtala ang Tanduay ng 18 sunod na panalo, 10-taon na ang nakakaraan.
“I’m quite disappointed that our winning streak came to an end. Pero sa isang banda, mabuti na yong natalo kami ngayon kaysa sa semis pa mangyari ito sa amin,” pahayag ni coach Jorge Gallent. “This is a wake up call for the boys. I hope this will serve us a lesson. We have to be consistent.”
Ang Harbour Centre na nangunguna pa rin sa 12-1 win-loss slate at Hapee Toothpaste na pumapangalawa sa taglay na 9-5 kartada ay nakaku-ha na ng outright semis berth.
Nasa ikatlong puwesto ang Burger King sa 8-6 record habang ang San Mig ay 6-8. (MAE BALBUENA)