Ateneo lusot sa St. Benilde

Nakarekober ang Ateneo sa masamang simula upang igupo ang St. Benilde, 18-25, 25-10, 25-12, 25-23 sa Shakey’s V-League Season 5 sa The Arena sa San Juan.

Muling naasahan si Ma. Rosario Soriano ng Lady Eagles sa kanyang 26 points, kabilang ang 22 kills, habang nakakuha naman ito ng suporta mula kay Denise Acevedo na may 13 hits para sa 14-point performance.

Hindi naging madali ang ikalimang panalo ng Ateneo sa siyam na laro dahil sa mahigpit na hamong ibinigay ng Blazers sa pangunguna ni Doreen Sanchez na nagpamalas ng solid game.

Nalasap ng St. Benilde ang kanilang ikawalong talo sa ligang sponsored ng Shakey’s Pizza at suportado ng Active White skin whitening products, Mail and More, ICT Call Center, 100Plus Energy, Mikasa at Accel.

Nauna rito, nagtala naman ang San Sebastian ng isa na namang straight-set victory laban sa Lyceum,  25-14, 25-17, 27-25.

Sumulong ang SSC Lady Stags na nakakasiguro na sa semis kagaya ng nangungunang Adamson (8-0) habang nalaglag naman ang Lyceum sa 3-5.

Show comments