Ginebra, Purefoods may bagong imports?

BACOLOD --Sinasamantala ng ilang PBA teams ang pagpapahinga ng Fiesta Conference para sa pagdaraos ng All Star week, para maghanap ng mas maaasahang imports sa ibang bansa.

May balitang magsasalang ang Barangay Ginebra ng ikalawang import replacement sa pagpapatuloy ng torneo.

Hanggang ngayon ay wala pang panalo ang Gin Kings sa 7-foot giants na si Ernest Brown na pumalit kay Rashon Turner na pinauwi matapos ang dalawang laro dahil sa injury sa hamstring.

Posible ring palitan na ng Purefoods ang kanilang import na si Darius Rice dahil hindi kuntento ang team sa kanyang performance.

Ang reklamo ng Giants ay masyadong nabababad ang bola sa kamay ni Rice.

Gayunpaman, wala pang pangalang maibigay ang Ginebra para sa kanilang bagong imports at inaasahang lalaro pa ng ilang games si Brown.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang ginaganap ang South versus North All-Star games sa West Negros University Gym.

Sa iba pang balita, nagpatawag si PBA board chairman Tony Chua ng special board meeting nitong Sabado ngunit walang naabot na pormal na resolusyon dahil walang quorum.

Tatalakayin sana ng board ang susunod na TV coveror ng liga kung saan nagbibid ang ABS-CBN at Solar Sports gayundin ang Makisig Channel ngunit tinitignan ng liga kung seryoso ito.

Ang mga board members na nandito ay sina Chua, Joaqui Trillo ng Alaska, Robert Non ng Barangay Ginebra, Rene Pardo ng Purefoods, Ricky Vargas ng Talk N Text at Lito Alvarez ng Air21.

Nagdonate ang PBA ang dalawang bahay sa Gawad Kalinga Foundation na bahagi ng outreach program dito. (Nelson Beltran)

Show comments