^

PSN Palaro

NCR bets ‘di mapigilan

-

PUERTO PRINCESA City, Palawan - Sumandal ang National Capital Region sa mga junior ng mga dating track superstars na sina Isidro del Prado at 1983 Southeast Asian Games 400m hurdles gold medalist Renato Unso sa centerpiece athletics at kay tanker Dorothy Grace Hong para palinawin ang kanilang tsansang makopo ang ikalawang sunod na overall secondary championship sa Palarong Pambansa na nagpatuloy sa malawak na Ramon V. Mitra, Jr. Sports Complex dito.

Nilangoy ng 14-anyos na si Hong ang kanyang ikaapat na ginto habang nakopo naman ng 16-anyos na si Del Prado ang ikalawang ginto sa 400m sa loob ng 49.7 segundo habang sumingasing naman si Unso, 17-gulang sa 110m hurdles sa oras na 15.7  segundo sa elementary at secondary divisions ayon sa pagkaka-sunod.

Nagrehistro si Hong, multiple gold medal winner sa huling dalawang edisyon ng Palaro sa bilis na dalawang minuto at 30.85 segundo para sa 200m backstroke gold matapos ang kanyang mga naunang panalo sa100m back, 200m medley relay at 400m medley relay para tularan sina Bicolano aquaman John Brylle Zapanta at isa pang NCR bet na si Fahad Alkhaldi na quadruple gold medalists.

Idinagdag ni Zapanta, nanalo na sa 100m freestyle, 200m butterfly at 200m medley relay, ang gold sa100m butterfly sa oras na 59.88 habang nanguna naman si Alkhaldi sa elementary boys 50m backstroke sa oras na 32.23 dagdag sa kanyang naunang panalo sa 200m free, 100m back at 400m medley relay.

Matapos ang tatlong araw na pool competition, may 23 gold medals--11 sa  secondary level at 12 sa elementary division sa 40 pinaglabanan, ang NCR.

Namamayagpag naman ang Calabarzon sa elementary girls’ division dahil kina Ana Nicole Tan at Althea Aira Belen, na nanalo sa 50m back at 100m fly, ayon sa pagkakasunod.

Nakadalawang gold na rin ang mga nakapaang runners ng Western Visayas na sina Vienna Mae Banebane at Reveneth Jayed Peñarubia sa kanilang panalo sa secondary at elementary girls’ 400m ayon sa pagkakasunod.

Sa archery, tumudla rin si Joaquin del Rosario ng gold medals sa 50m at overall events at dalawa pang bronze medals sa 30m at Olympic round para iambag sa produk-siyon ng NCR.   (JOEY VILLAR)

vuukle comment

ALTHEA AIRA BELEN

ANA NICOLE TAN

DEL PRADO

DOROTHY GRACE HONG

FAHAD ALKHALDI

GOLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with