^

PSN Palaro

Talk N Text umangat

-

Kumabig si 5-foot-8 point-guard Jimmy Alapag ng game-high 25 puntos, tampok rito ang 7-of-9 shooting sa 3-point range, upang igiya ang Talk ‘N Text sa 116-99 panalo kontra Air21 sa classification phase ng 2008 PBA Fiesta Conference kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang two-game winning streak ng Phone Pals ang nagtaas sa kanilang kartada sa 4-2 sa ilalim ng Coca-Cola (4-1) at Red Bull (4-1) kasunod ang Sta. Lucia (3-1), Magnolia (3-2), Purefoods (2-2), Air21 (2-3), Aces (2-3), Welcoat (1-4) at Ginebra (0-5).

 Kasalukuyan pang naglalaban ang Sta. Lucia, ang naghari sa nakaraang PBA Philippine Cup, at ang Coke habang isinusulat ito.

“We came into this game with the mindset that it’s a good learning experience for us without Jay Washington (foot injury),” ani coach Chot Reyes.

Samantala, dahil sa malakas na paghampas sa mukha ni Red Bull  forward Rich Alvarez na nagbunga ng pagkabasag sa ilong ng dating Ateneo Blue Eagle noong Sabado sa Laoag City, isang P20,000 fine at one-game suspension ang nalasap ni import Randy Holcomb ng nagdedepensang Alaska.

Buhat sa naunang itinawag na flagrant foul 1, itinaas ni PBA Commissioner Sonny Barrios sa flagrant foul 2 ang kasalanan ng 6-foot-7 na si Holcomb sa 97-100 overtime loss ng Aces sa Bulls. (R.Cadayona)

ATENEO BLUE EAGLE

CHOT REYES

COMMISSIONER SONNY BARRIOS

CUNETA ASTRODOME

FIESTA CONFERENCE

JAY WASHINGTON

JIMMY ALAPAG

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with