So kampeon sa Dubai Chess

Isang malaking karangalan ang naiuwi ng 14-anyos na Pinoy Grandmaster na tinanghal na kampeon sa nakaraang Dubai Open Chess Championship na nilahukan ng magagaling na chess master mula sa 25 bansa.

Ayon kay Prospero Pichay, pangulo ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), napakaganda ng performance na ipinakita ng batang  So sa nakaraang Dubai Open  makaraang maungusan nito sa tiebreak ang kanyang malalakas na katunggali mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si So (Elo 2540) ang pinakabatang grandmaster na nagwagi sa naturang tournament na nakalikom ng 7 puntos mula sa anim na panalo, isang talo, mula sa dalawang draw sa loob ng siyam na round na nilahukan ng 131 players, kasama ang 24 grandmasters at limang women grandmasters mula sa 25 bansa. (Ellen Fernando)

Show comments