^

PSN Palaro

Win No. 12 asam ng Harbour Centre kontra sa Noosa

-

Sa isang koponang kagaya ng Noosa Shoes na naghahangad ng puwesto sa quarter-final round, aminado si Harbour Centre coach Jorge Gallent na hindi magiging madali ang pakay nilang ika-12 sunod na panalo.

“We can’t be complacent since Noosa also needs to win to stay in the hunt for the quarterfinals seat,” wika ni Gallent sa pakikipagtagpo ng kanyang Batang Pier sa Shoe Stars ni mentor Leo Isaac ngayong alas-2 ng hapon bago ang sultada ng Hapee Complete Protectors ni Louie Alas at San Mig Coffee Kings ni Koy Banal sa alas-4 sa second round ng 2008 PBL Lipo-vitan Amino Sports Cup sa Muntinlupa Sports Center.

Bitbit ng Harbour Centre ang matayog na 11-0 kartada kasunod ang Ha-pee (8-4), Burger King (8-6), Pharex (7-6), Noo-sa (6-7), San Mig (5-7), Toyota Otis (5-7), Bacchus Energy Drink (4-9) at RP Youth (0-7).

“I know it’s not going to be easy but we’ll try our very best to attain our goal,” wika ni Gallent sa Batang Pier, iginupo ang Shoe Stars ni Isaac, 79-48, sa first round. “It’s nice to go to the Final Four with a perfect record.”

Pangungunahan nina Jason Castro, Chad Alon-zo, TY Tang, Al Vergara at Beau Belga ang Harbour Centre, hangad ang pang limang sunod na korona, laban kina John Wilson, Noy Javier, Allan Evangelista at Jemal Vizcarra ng Noosa.

Sa ikalawang laban, asam naman ng Hapee na makabangon buhat sa isang 73-76 kabiguan sa Toyota na pansamanta-lang pumigil sa kanilang paglapit sa ikalawa at huling outright semifinals seat.

Iginupo na ng Complete Protectors ni Alas ang Coffee Kings ni Banal, 76-68, sa kanilang unang pagta-tagpo sa first round.

Gagabayan nina Fil-American Gabe Norwood, Mark Borboran, Reed Juntilla, Larry Rodriguez at rookie Jervy Cruz ang Hapee katapat sina Bonbon Custodio, Neil Raneses, Erick Dela Cuesta at JP Alcaraz ng San Mig. (Russell Cadayona)

AL VERGARA

ALLAN EVANGELISTA

BATANG PIER

HARBOUR CENTRE

SAN MIG

SHOE STARS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with