Hindi naramdaman ng Red Bull ang pagkawala ni Junthy Valenzuela salamat kay Cyrus Ba-guio na nagpakita ng impresibong laro nitong nagdaang linggo ng PBA Fiesta Conference.
“He stepped up in time and in a big way,” paha-yag ni coach Yeng Guiao ukol kay Baguio, napili ng PBA Press Corps bilang Smart-Accel Player of the Week para sa linggong April 14-20.
“Eksakto na gumanda ang laro niya, kung kailan we urgently needed somebody to fill up the void created during this ‘transition’ period and Cyrus proved to be the man for the job,” dagdag ni Guiao.
Ang kinilalang lider ng team ng Red Bull na si Valenzuela ay ipinamigay ng Bulls sa Barangay Ginebra noong nakara-ang linggo para sa dala-wang future draft picks at nagkaroon ng pangamba na maaapektuhan ang Red Bull sa pagkawala niya.
Ngunit umangat si Ba-guio at nag-average ng impresibong 25.5 points, 3.5 rebounds at 2.0 steals sa back-to-back wins ng Red Bull.
Ang Red Bull ay may 4-1 win-loss record na nakikisalo sa liderato sa Coca-Cola.
“We actually don’t want to put that much pressure on him kasi ang system namin is such that we want to balance our offense,” ani Guiao, “That’s why we don’t want giving anybody the sole responsibility of winning the game for us.”
Umiskor ang Iligan City native ng 25 sa kanyang 27 points sa second half 98-96 win ng Barakos laban sa Giants noong Miyerkules, kabilang ang clutch triple at back-brea-king layup sa endgame.
Sa 100-97 panalo ng Red Bull kontra sa Aces noong Sabado, muling naasahan si Baguio na nagsumite ng 24 points, 5-rebounds, six assists at three steals.