^

PSN Palaro

Malinis pa rin ang Lady Falcons

-

Nakadalawa ang Adamson laban sa Far Eastern U sa ikalawang sunod na playdate matapos ang 25-16, 25-12, 25-14 panalo upang manatiling malinis ang record sa Shakey’s V-League Season 5 saThe Arena sa San Juan.

Ang lahat ng ginawa ng Lady Falcons  nang una nilang dimolisahin ang Tams, 25-17, 25-11, 25-22, dalawang araw na ang nakakaraan ay ginawa nila uli  ngunit sa pagkakataong ito ay nagbida sina Rissa Laguilles at Jacqueline So sa pagtatala ng tig-13 at limang  kills, ayon sa pagkakasunod

Nagpahinga si guest player Neriza Bautista, ang leading scorer ng Adamson na may average na 15-points sa limang games,  at tumapos lamang siya ng eight points, kabilang ang tatlong service points.

Tumapos si Laguilles ng 15 points at lima kay So sa net at nagpamalas ng mahusay na court coverage ang kanilang mga kasama upang igupo ang FEU na tumalo sa kanila sa UAAP volleyball finals, sa loob lamang ng 58 minutes.

Tumatag sa liderato ang Adamson na may 6-panalo at lumapit sila sa outright semis berth at nalasap ng Tams ang ikalimang talo sa anim na laro sa ligang sponsored ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Nauna rito, umangat ang second placer na San Sebastian sa 5-1 via walkover win sa St. Benilde na napuwersang mag-forfeit ng laro dahil sa exams.

vuukle comment

ADAMSON

FAR EASTERN U

JACQUELINE SO

LADY FALCONS

NERIZA BAUTISTA

RISSA LAGUILLES

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with