^

PSN Palaro

Bulls mami-miss si Valenzuela

-

Sa unang pagkakataon, lalaro ang Red Bull na hindi kasama ang kanilang ‘Hitman’ na si Junthy Valenzuela matapos ipamigay sa  Ginebra kapalit ng future first at second round draft picks.

Ang 6-foot-2 na si Valenzuela ang kasama nina Kerby Raymundo, Lordy Tugade, Davonn Harp, Jimwell Torion at Bernard Tanpua nang umakyat sa pro league ang Photokina franchise noong 2000 kung saan naging direct-hire nila si Fil-Australian Mick Pennisi.

Sasagupain ng Red Bull ang Purefoods ngayong alas-7:20 ng gabi matapos ang banggaan ng Alaska at Welcoat sa alas-4:50 ng hapon sa elimination round ng 2008 PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Nasa itaas pa rin ang Sta. Lucia Realtors mula sa kanilang 3-0 rekord kasunod ang Coca-Cola (3-1), Bulls (2-1), Giants (2-1), Talk ‘N Text (2-2), Air21 Express (2-2), Magnolia (2-2), Aces (1-2), Gin Kings (0-3) at Dragons (0-3).

Nagmula ang Red Bull sa 92-103 kabiguan sa Talk ‘N Text noong Biyernes kung saan 3 minuto lang ginamit ni coach Yeng Guiao si Valenzuela, habang isang 102-94 panalo naman ang kinuha ng Purefoods sa Air21 noong nakaraang Miyerkules.

Ibabandera ni Guiao sina seven-foot import Adam Parada, Cyrus Baguio, Mike Hrabak at Rich Alvarez katapat sina Raymundo, PJ Simon, Darius Rice, James Yap at Rico Villanueva.

vuukle comment

ADAM PARADA

ARANETA COLISEUM

BERNARD TANPUA

CYRUS BAGUIO

DARIUS RICE

DAVONN HARP

FIESTA CONFERENCE

N TEXT

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with