^

PSN Palaro

RP Davis Cuppers must win ngayon

-

Matapos makasilip ng tsansa, nahulog naman sa balag ng alanganin ang mga national netters.

Ito ay matapos angkinin ng bumibisitang Uzbe-kistan ang krusyal na 2-1 abante kontra Philippine Team mula sa 7-6 (12-10), 5-7, 6-1, 7-6 (7-4) panalo nina Dennis Istomin at Farruhk Dustov laban kina Cecil Mamiit at Eric Taino sa doubles match ng 2008 Asia/Oceania Zone Group I Davis Cup kahapon sa PCA Indoor Courts sa Plaza Dilao, Paco, Manila.

Hangad ng mga Uz-beks na manatili sa Group 1 sa puntiryang panalo sa laban ni Istomin kay Ma-miit ngayong alas-10:00 ng umaga at ang laro ni Dustov kay PJ Tierro sa ala-una ng hapon sa ma-halagang reverse singles.

Mula sa gitgitang first set, naagaw ng RP Team ang second frame, 7-5,  sa matutulis na backhand return ni Mamiit, ang No. 522 ngayon sa buong mundo matapos umakyat sa No. 72 noong 1999.

Huling natikman ng Nationals ang kalama-ngan sa fourth set, 4-1, bago ang arangkada nina Istomin at Dustov, ang kasalukuyang world-ranked No. 156 at 259, ayon sa pagkakasunod, upang makuha ang nasa-bing panalo.

“We may have lost the chance but we’re still hopeful that we can change the outcome of this series,” sabi ni Mamiit, pinasuko si Dustov, 5-7, 6-3, 5-5, sa singles match noong Biyernes matapos igupo ni Istomin ang 22-anyos na si Tierro via straight sets, 6-4, 6-2, 6-3.

Kontra kay Istomin, haharapin ni Mamiit ang Uzbek netter na naging pamoso sa kanyang 7-6, 6-3, 5-7, 6-1 pagyukod kay top 10 world ranked Lleyton Hewitt ng Australia sa second round ng Australian Open noong Enero.

Ang mananalo sa pagitan ng RP Team, winalis ng mga Japanese, 5-0, noong Pebrero sa Rizal Memorial Tennis Center, at Uzbekistan ang mananatili sa Group 1, habang ang matatalo ang mahuhulog sa second round kontra sa matatalo sa pagitan ng Kazakhstan at Chinese-Taipei.  (Russell Cadayona)

AUSTRALIAN OPEN

CECIL MAMIIT

DENNIS ISTOMIN

DUSTOV

ISTOMIN

MAMIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with