Harbour Centre 9-0 na

Intensibong opensa ang ipinamalas ng defending champion Harbour Centre  sa final half upang demolisahin ang Nokia-Philippine Youth team, 103-64, para sa kanilang ikasiyam na sunod na panalo sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup na nagpatuloy sa  The Arena sa San Juan City.

Nagbida si Jason Castro para sa mga Batang Pier sa pagkamada ng 15 sa kanyang tinapos na game-high 25 points sa third period upang makalayo ng husto ang Har-bour Centre at manatiling wa-lang talo sa  season-ending tournament na ito.

Ito ang pinakamahabang winning streak ng Harbour Centre na nangangailangan na lamang ng isang panalo upang makasiguro ng slot sa semifinals.

Nagpakawala naman ang Noosa Shoes ng 27-puntos sa final period tungo sa kanilang 80-73 panalo kontra sa dumadausdos na Pharex.

Nagningning si Noy Javier para sa Shoe Stars ni Dioceldo Sy sa pagkamada ng 11 points sa fourth period. Tumapos ito ng 24 points upang isulong ang Shoe Stars sa ikalimang panalo sa 11 laro para makisa-lo sa  Burger King at sa biktimang Medics sa 5-6 kartada.

Tulad ng ipinamalas ni Cas-tro sa nakaraang kampanya ng Mikee Romero-owned team sa nakaraang  SEABA Champions Cup sa Jakarta, Indonesia, pinahanga din niya ang RP Youth members sa kanyang mahusay na shooting para makakawala ang mga Batang Pier.

Wala pang panalo ang RP Youth Team sa 6-laro.

Harbour Centre 103 -- Castro 25, Chan 19, Bautista 9, Belga 8, Mercado 8, Tang 8, Alonzo 7, Fernandez 7, Gaco 6, Taylor 2, Gamboa 2, Ababou1, Asoro1.

Nokia-RP Youth 64 -- Garcia 14, Lopez 11, Banal 8, Mendoza M. 6, Golla 5, Mendoza J. 5, Sa-ngalang 4, De Guzman 3, Man-guera 2, Sumido 2, Flores 2, Ra-mos 2.

Quarterscores: 23-14; 46-39; 74-53; 103-64.

Noosa Shoes 80 -- Javier 24, Wilson 15, Vizcarra 12, Se-rios 6, Evangelista 6, Robles 6, Dela Peña 5, Mangahas 4, Burtscher 2.

Pharex 73 --Alfad 13, Bug-hao 11, Matias 11, Oreta 10, Vil-lamin 9, Saladaga 8, Bauzon 7, Allera 2, Co 2.

Quarterscores: 17-19; 42-37; 53-62; 80-73.

Show comments