Mainit si Mamiit
Habang naging magaang ang panalo ni world- ranked 156 Denis Istomin, hindi naman nakayanan ng kababayan nitong si Farruhk Dustov ang init.
Isinuko ni Dustov ang isang 7-5, 3-6, 5-5 desisyon kay Fil-American netter Cecil Mamiit, habang iginupo naman ni Istomin si PJ Tierro via straight sets, 6-4, 6-2, 6-3, para magtabla ang RP Team at Uzbekistan sa 1-1 sa paghataw kahapon ng 2008 Asia/Oceania Zone Group I Davis Cup sa PCA Indoor Courts sa Plaza Dilao, Paco, Manila.
“You saw what happened. I was supposed to win until cramps get into my body because of the humidity. There was no ice pack in the venue,” pahayag ni Dustov, ang No. 259 sa mundo, sa kanyang sinapit na cramps.
Patungo sa kanyang 2-1 abante kontra kay Mamiit mula sa kanyang 4-1 lamang sa third set, nakaramdam si Dustov ng paninikip ng kanyang kalamnan sa binti at tiyan bago tumawag ng dalawang sunod na timeouts.
“I was expecting this. I told the players they will come out firing but if we can prolong the match and tire them out, anything can happened which was what happened,” ani RP non-playing team captain Emmanuel Tecson sa naging bentahe ng Nationals kontra Uzbeks.
Nakatakdang makatambal ngayong umaga ni Mamiit si Fil-Am Eric Taino sa doubles event katapat sina Istomin at Dustov.
Ang tagumpay nina Mamiit at Taino kina Istomin at Dustov ang magbibigay ng sapat na buwelo sa RP Team sa hangaring makabangon mula sa isang 0-5 pagkakawalis ng Japan noong Pebrero sa
“We’re going the right way. First we got one and tomorrow we need another one to get control,” sabi ni Mamiit. “The key will be tomorrow’s doubles match.”
Papalo naman ang reverse singles bukas kung saan makakatapat ni Mamiit si Istomin at makakalaban naman ni Tierro si Dustov. (RCadayona)
- Latest
- Trending