AYAW NA NG RASYON!

Kahit siguro hindi nagtamo ng injury si Rashon Turner ay “on the way out” na rin siya bilang import ng Barangay Ginebra. Kasi nga, parang hindi siya ang tipo ng reinforcement na makapaghahatid sa Gin Kings sa tagumpay.

Sa unang game pa lang ni Turner ay hindi na siya umubra kay Adam parada ng Red Bull Barakos Dinaig ng Red Bull ang Gin Kings, 89-83. sa larong iyon, si Turbner ay nagtala ng 12 puntos, 19 rebounds, isang assist, isang steal at tatlong errros sa 38minuto.

Sa kabilang dako, itong si Parada na ngayon ay itinuturing na ‘yardstick’ ng mga imports sa PBA, ay kumamada ng 28 puntos, 21 rebounds, dalawang assists, isang steal at limang blocked shots sa 43 minuto.

Aba’y malayo talaga ang diperensya!

Sa sumunod na laro laban sa Alaska Milk, si Turner ay nagtala ng 12 puntos, 12 rebounds at isang assist sa 30 minuto. Hindi niya natapos ang laro dahil sa nagkaroon siya ng sprain matapos nagsagawa ng isang slam dunk. Natalo pa rin ang Gin Kings, 102-89.

Naging ‘farewell performance’ ni Turner anglarong iyon. Imbes na kumuha ng temporary replacement ang Barangay Ginebra para hintaying gumaling ang injury ni Turner ay pinauwi na lang siya.

Kinuha ng Barangay Ginebra si Ernest Brown na magpupugay sa madla sa out-of-town game ng Gin Kings laban sa Sta. Lucia Realty mamayang 4:30 pm sa Tacloban Convention Center sa Leyte.

‘Yon lang ang masalap dun, e. First game ng isang import pero ang paglalaruan ay out-of-town kaagad. Oo at pareho ang playing dimension ng kahit anong basketbal court na gagamitin sa PBA game. Pero siyempre, iba ang playing conditions doon kumpara sa Maynila.

Subalit umaasa si coach Joseph Uichico na magiging mas maganda ang numero ni Brown kaysa kay Turner.

Aba’y sa pangala’t pangalan lang parang talo na si Turner, e. Biruin mong parasyonrasyon lang siya. Ibig sabihin, konti lang talaga.

Kung mahusay nga si Brown, siyempre gaganahan ang mga locals ng Barangay Ginebra. Hindi gaanong mahihirapan sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand na siyang pilit na bumubuhat sa team.

Sa first two games, si Caguioa ay nag-average na 29 puntos, 4.5 rebounds, 2.5 assists, 1.5 steals at 2.5 errors sa 40 minuto samantalang si Helterbrand ay mayroong 12.5 puntos, dalawang rebounds, 7.5 assists, 0.5 steal at anim na errors sa 34.5 minuto.

Pero expected na sa kanila iyon, e. Ang kailangan talaga ng Gin Kings ay isang dominant import na hindi lang panapat sa matitinding reinforcements ng mga kalaban kundi mag-aangat sa kanila nang todo-todo!

Show comments