^

PSN Palaro

Tierro, Mamiit papalo

-

Hindi si Fil-American netter Eric Taino ang unang lalaro para sa Philippine Team kontra Uzbekistan sa paghataw ngayong umaga ng Asia Oceania Zone Davis Cup Group I relegation tie sa PCA Indoor Courts sa Plaza Dilao, Paco, Manila.

Nagdesisyon si non-playing team captain Emmanuel Tecson na ipalit kay Taino si PJ Tierro katapat ni Denis Istomin, ang top tennis player ng Uzbekistan.

Maghahatawan sina Tierro, naging miyembro ng RP Davis Cup team sapul noong 2004, at Istomin sa ganap na alas-10 ng umaga sa men’s singles kasunod ang salpukan nina Cecil Mamiit at Farrukh Dustov.

Makakatuwang ni Mamiit si Taino sa kanilang laro laban kina Istomin at Dustov sa men’s doubles event bukas.

Kapwa nabigo ang RP Team at ang Uzbekistan sa Group 1 kung saan natalo ang mga Filipino netters sa Japan, 0-5, na idinaos sa Rizal Memorial Tennis Center at yumukod naman ang mga Uzbeks sa India, 2-3.

Aakyat sa ikalawa at huling yugto ng Davis Cup tie ang mananalo sa pagitan ng RP Team at Uzbekistan at sasagupa sa mananaig sa laban ng Chinese Taipei at Kazakhstan.

“Nakita ko na siyang maglaro at aggressive siya,” sabi ng 22-anyos na si Tierro kay Istomin, ang world-ranked No. 156. “Kailangan ko lang ibalik ang kanyang bola at pahabain ang laban para mas gumanda ang tsansa kong manalo.”

Winalis na ng mga Uzbeks ang mga Pinoy, 5-0, sa kanilang unang paghaharap noong 1997. (RCadayona)

CECIL MAMIIT

DAVIS CUP

ISTOMIN

PLACE

TIERRO

UZBEKISTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with