Yap paboritong-paborito sa PBA All Star balloting

Pinangunahan ng Purefoods superstar James Yap ang lahat ng players na napiling bumuo ng starting units para sa North at South squads sa PBA All-Star game para sa taong ito.       

Ang dating Most Valuable Player na si Yap mula sa Escalante, Negros Occidental, ang runaway choice na maging isa sa dalawang starting guards para sa backcourt ng South All-Stars sa kanyang nalikom na  50,763 - ang pinakamalaking boto na nakuha ng isang player na pinili ng fans sa botohang nagsimula noong February 1.

Ito ang ikalimang sunod na pagkakataong magiging starter si Yap sapul nang pumasok ito sa liga noong 2004.

Si Yap lamang ang nakakuha ng mahigit 50,000 boto na ginanap sa game venue at sa  official website ng liga sa www.pba.ph.

Dalawa pang starters mula sa South team ang sumunod kay Yap sa paramihan ng boto na sina Kelly Williams ng Sta. Lucia, ang leading contender para sa MVP award ng season na ito na kumulekta ng second-best 38,832 votes at Danny Seigle ng Magnolia Beverage (38,448) para sa frontcourt rotation ng SouthStars.       

Ang kumpletong starters ng South team  ay sina Coca-Cola big man Asi Taulava (36,312) at Jimmy Alapag ng Talk ‘N Text (22,752).     

Ang do-it-all Magnolia forward na si Mark Pingris naman ang nanguna sa North All-Stars, sa kan-yang kabuuang 35,578 votes

Show comments