P49M pondo para sa Palaro mula kay GMA

Wala nang dapat pang alalahanin ang Puerto Princesa City kaugnay sa pamamalakad sa darating na 2008 Palarong Pambansa sa Abril 20-27 sa Ramon V. Mitra, Jr. Sports Complex.

Ito ay matapos magbi-gay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng P49-million augmentation fund sa lungsod para sa mata-gumpay na pangangasiwa sa naturang annual sports event na nilalahukan ng 17 rehiyon sa buong bansa.

Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ni Mayor Edward Hagedorn sa Presidente sa kanyang talumpati sa pagbubukas sng 2008 MIMAROPA Regional Meet noong Linggo.

“I am really very thankful to our beloved President Macapagal-Arroyo for her support. We really need her backing and she never failed us. So, we will not fail her also,” sabi ni Hagedorn sa suporta ni Pangulong Arroyo.

Nauna rito, nakatang-gap na rin si Hagedorn ng tsekeng nagkakahalaga ng P3 milyon mula kay Pala-wan Gov. Joel Reyes bilang tulong para sa maayos na pagdaraos ng 2008 Palarong Pambansa.

“Many including the President are really very supportive in our effort to make Puerto Princesa not only a haven for eco-tourism but also the sports tourism capital in the country,” ani Hagedorn.

Nagbigay na rin ang Philippine Amusements and Gaming Corp. (PAG-COR) ng P5 milyon, samantalang P2 milyon na-man ang inihandog ng Department of Education (DepEd), dagdag ng Alkal-de.  (Russell Cadayona)

Show comments