^

PSN Palaro

Laban Peñalosa, laban!

-

Hanggat maaari ay gusto ni Filipino warrior Gerry Peñalosa na magretiro na isa pa ring world boxing champion.

“As much as possible I want to retire as a champion, kaya gusto ko talagang ipanalo itong laban ko,” wika kahapon ng 35-anyos na si Peñalosa, magdedepensa ng kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown laban kay Thai challenger Ratanachai Sor Vorapin ngayong umaga sa Araneta Coliseum.

Sa kanilang official weigh-in na ginanap sa Cineplex sa Gateway Mall, tumimbang ang kaliweteng si Peñalosa ng hustong 118 pounds kagaya ng 31-anyos na si Vorapin.

Ito ang unang pagkakataon na idedepensa ni Peñalosa, dating naghari sa super flyweight division ng World Boxing Council (WBC), matapos agawin kay Jhonny Gonzales ang naturang WBO bantamweight title via seventh round TKO noong Agosto 11 sa Arco Arena sa Sacramento, California.

Magiging rematch naman ito nina Peñalosa at Vorapin matapos umiskor ang tubong San Carlos City, Cebu ng isang sixth round TKO para sa WBC International super flyweight belt noong Nobyembre 25 ng 2000 sa Casino Filipino Amphitheater sa Parañaque.

“That was already eight years ago at alam ko na malaki na ang naging improvement niya since our last fight kaya dapat talagang hindi ako magkumpiyansa sa laban namin because anything can happen,” ani Peñalosa.

Ibabandera ni Peñalosa ang kanyang 52-6-2 win-loss-draw ring record kasama ang 35 KOs, at dadalhin naman ni Vorapin ang 72-9-0 (48 KOs) slate.

“I will try to do my best for me to win this fight and bring back that WBO bantamweight title to Thailand,” pangako naman ni Vorapin. (Russell Cadayona)

ALOSA

ARANETA COLISEUM

ARCO ARENA

CASINO FILIPINO AMPHITHEATER

NTILDE

VORAPIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with