Peñalosa dapat mag-ingat
Dapat lamang na pag-ingatan ni Filipino world bantamweight champion Gerry Peñalosa si Thai challenger Ratanachai Sor Vorapin sa kanilang rematch bukas sa Araneta Coliseum.
Sinabi kahapon ni Eric Gomez, ang vice-president at international matchmaker ng Golden Boy Promotions, na halos manalo si Vorapin sa kanilang unang pagtatagpo ni Peñalosa para sa World Boxing Council (WBC) International super flyweight championship noong Nobyembre 25 ng 2000 sa Casino Filipino Amphitheater sa Parañaque.
“This will not be an easy fight because Vorapin is really in good shape,” ani Gomez. “In the first fight Gerry beat him. But if you see the first fight, Vorapin has his moment and he just got caught by a punch from Gerry but before that, you can see that he’s winning the fight. So he’s very, very dangerous.”
Isang right straight ang ikinonekta ni Peñalosa sa panga ni Vorapin sa sixth round upang mapanatili ang WBC International super flyweight crown.
Sa kanilang rematch sa Big Dome, idedepensa ng 35-anyos na si Peñalosa ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight belt laban sa 31-anyos na si Vorapin.
Sakaling matagumpay na maipagtanggol ang kanyang WBO crown kay Vorapin, ilang malalaking laban ang itatakda ng Golden Boy para sa dating WBC super flyweight titlist, ayon kay Gomez.
Dadalhin ni Peñalosa ang 52-6-2 win-loss-draw ring record kasama ang 35
- Latest
- Trending