Boom Boom nandito na

Dumating na kahapon ng umaga sa Maynila sina super bantamweight Rey ‘Boom Boom’ Bau-tista, super flyweight AJ ‘Bazooka’ Banal at bantamweight Michael Do-mingo mula sa Cebu City kasama sina trainers Edito at Edmund Villamor.

Nakatakdang sagupa-in ng 21-anyos na si Bau-tista si Mexican Genaro Camargo, habang haha-rapin naman ng 19-anyos na si Banal si Caril Herrera ng Uruguay at makaka-tagpo ni Domingo si Thai Thepnimit Sor Chitpatta-na.

Dadalhin ni Bautista, pinatulog ni World Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion Daniel Ponce De Leon ng Mexico sa first round ng kanilang laban noong Agosto 11, ang 24-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 17 KOs kumpara sa 16-3-0 (10 KOs) ng 23-anyos na si Camargo.

Makaraan ang natu-rang kabiguan sa 27-anyos na si Ponce De Leon, umiskor naman si Bautista ng isang unanimous decision sa kanilang 12-round bout ni Mexican Antonio Meza noong Dis-yembre 2 sa Big Dome.

Magsasagupa naman sina Banal, may 16-0-1 (13 KOs) card, at Herrera, nagdadala ng 21-0-0 (13 KOs) para sa eliminator ukol sa uupong No. 1 contender sa International Boxing Federation (IBF) super flyweight division.

Ang mananalo kina Banal at Herrera ang aangkin sa No.1 seat kung saan siya ang haha-mon sa mananaig kina IBF super flyweight champion Dimitiri Kirilov ng Russia at Vic Darchinyan ng Armenia.

Ibabandera ng 28-anyos na si Domingo ang 34-14-2 (13 KOs) slate laban sa 18-2-0 (7 KOs) card ni Chitpattana. (RCadayona)

Show comments