Laban ni Donaire kanselado

Tuluyan nang nakansela ang ikalawang pagdedepensa ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. para sa kanyang suot na world flyweight crown.

Ito ay matapos na ring umatras ang tatayo sanang copromoters na Third Force Promotions ni dating PBA Commissioner Noli Eala sa pangalawang title defense ni Donaire laban kay Lebanese challenger Hussein Hussein.

Nakatakda sanang ipagtanggol ng 25-anyos na si Donaire ang kanyang hawak na International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight belt laban kay Hussein sa Abril 18 sa Aviation Center sa Dubai, United Arab Emirates. (Russell Cadayona)

Show comments