Nolte abot kamay na ang GM Norm
Abot kamay na ni Filipino International Master Rolando Nolte (2412) ang pagsubi ng grandmaster norm matapos makatabla kay GM Shukhrat Safin (2493) ng Uzbekistan tangan ang puting piyesa sa 50 moves ng Ruy Lopez Opening sa seventh round ng 3rd Kolkata Open International Grandmasters Chess Tournament nitong Linggo sa Gorky Sadan, Kolkata, India.
Ang undefeated Quezon City based na si Nolte ay lumikom ng kabuuang 5.0 puntos mula sa 3 wins, 4 draws matapos ang pitong laro para makisosyo sa ika-8 hanggang ika-21 na puwesto.
Makakalaban ni Nolte sa eight round si IM Enamul Hossain (2522) ng Bangladesh at kung papalaring makatabla o manalo ay magbibigay daan sa Pinoy chesser sa pagkopo niya ng grandmaster norm ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president Prospero “Butch” Pichay Jr.
Matapos magwagi sa first two rounds, nagtala ng tatlong magkasunod na draw si Nolte kontra kina GM Das Neelotpal (2486) ng India sa third round, GM Vladimir Dobrov (2501) ng Russia sa fourth round at GM RB Ramesh (2473) ng India sa fifth round at hiniya si Grandmaster Smbat Lputian (2616) ng Armenia sa sixth round bago makatabla kay GM Safin sa seventh round.
Nakihati ng puntos si IM Chito Garma (2383) kay WIM Kruttika Nadig (2208) ng India para samahan ang kababayan na si IM Oliver Barbosa (2410) na natalo kay world junior champion GM Ahmed Adly (2551) ng Egypt, sa ika-29 hanggang ika-49 na puwesto sa kanilang magkakatulad na tig-4.0 na puntos.
- Latest
- Trending