^

PSN Palaro

Jawo tuloy sa Air21?

-

Sa takbo ng mga pangyayari sa mga nakaraang araw sa kampo ng Air 21, mukhang uupo na ang basketball legend na si Robert Jaworski na head coach ng Air 21.

Matatandaang matagal nang naglalabasan ang mga ispekulasyon na si Jaworski na ang susunod na coach ng Air 21 pero mula noon hanggang ngayon, wala pa rin namang Jaworski na umuupo sa bench ng Air 21 sa mga laro nila sa PBA.

Kamakailan lang, sinabihan na ang lahat ng assistant coaches ng Air 21 na hindi na ire-renew ang kanilang kontrata sa pagpasok ng 2008 Fiesta Conference ng PBA. Marami na ang nagsabi na isa na itong pahiwatig na nagkaroon na nga ng malawakang revamp sa coaching staff ng Air21.

Ang tanging naiwan lang ay si Bo Perasol na siya pa ring tumatayong head coach ng team.

Pumasok na ang dating Ginebra player na si Leo Isaac, isang kilalang kaalyado ni Jaworski, bilang bagong assistant coach ng Air 21.

Si Isaac ay kasalukuyang coach ng MIT Cardinals sa NCAA, Arellano University sa NCRAA at Noosa Shoes sa PBL.

Sinasabing isa na si Leo Isaac sa ‘advanced party’ para sa napipintong pag-upo ni Jaworski

Isang reliable source ang nagsabi na nagka-ayos na si Jaworski at ang management ng Air 21 su-balit hindi pa niya inihayag kung anu-ano ang napag-kasunduan. Kasaluku-yang nasa Amerika pa si Jaworski at ang basketball agent na si Sam Unera ang siyang nakikipag-usap para kay Jaworski.

Sinabi pa ng naturang source na pagkatapos ng tatlong laro ng Air 21 sa kasalukuyang Fiesta Conference ay darating na si Jaworski at pormal nang uupo bilang head coach ng Air 21. (Nap Gutierrez)

vuukle comment

AIR

ARELLANO UNIVERSITY

BO PERASOL

FIESTA CONFERENCE

JAWORSKI

LEO ISAAC

NAP GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with