^

PSN Palaro

Lady Eagles nakaligtas sa Pirates

-

Nakaligtas ang Ateneo sa mahigpit na hamong ibinigay ng Lyceum tungo sa 25-23, 29-27, 25-17 panalo sa pagbu-bukas ng Shakey’s V-League’s Season 5 sa Arena sa San Juan kaha-pon.

Nagpakawala si Thai ace Kanchana Jindarat ng 20 kills at tumapos ng 22 points, apat na araw pa lamang nang duma-ting ito upang palakasin ang Lady Eagles sa kani-lang kampanya para sa unang  championship title matapos ang third-place finish noong nakaraang conference.

“Our main objective is to make it to the top two. I do trust my players that they can get the job done,” ani Ateneo coach Michelle Laborte, lumaro para sa Lady Eagles bilang guest player noong nakaraang taon.

Si Ma. Rosario Soria-no ang sumuporta kay Jindarat sa kanyang 17 points, kabilang ang 13 attacks bukod pa sa tat-long blocks sa opening day ng tournament na sponsored ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

“Kanchana just arrived last Thursday so they are still trying to adjust to the system,” ani Laborte na nakakuha rin ang Ateneo ng 17-point output mula kina Denise Acevedo, Patricia Taganas, Misha Quimpo, Karla Bello at Therese Limgenco.

Impresibong laro ang ipinamalas ng Lady Pirates sa kabuuan ng laro sa pangunguna nina Bev-erly Boto at Jane Jarin na nanguna sa pananalasa ngunit nasira ang kani-lang diskarte matapos makawala ang dala-wang match-points sa unang dalawang sets at nadiskaril sa ikatlong set.

Sina Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco Jr., Shakey’s general manager Vic Gregorio, sports commissioner Eric Lore-tizo at tournament director Tony Boy Liao ang nagsagawa ng ceremonial serves para sa three-month long event, na su-portado ng Active White skin whitening products, Mail and More, ICT Call Center, Mikasa at Accel.

ACTIVE WHITE

ATENEO

CALL CENTER

DENISE ACEVEDO

ERIC LORE

JANE JARIN

LADY EAGLES

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with