PBL Player of the week: Lumabas na ang itinatago ni Jaime

Hindi sinayang ni forward Chito Jaime ang ibinigay sa kanyang pagkakataon nang tulu-ngan nito ang Toyota Otis na makabalik sa kanilang winning form sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup.

Naging mainit ang 6’4 mula sa AMA Computer School sa ila-lim na naging susi sa tagumpay ng Toyota Sparks kontra sa San Mig Coffee Kings at Noosa Shoe Stars nitong nakaraang linggo.

Nagtala si Jaime ng average na 18 points at 10.5 rebounds sa dalawang panalo ng Toyota para mapili ito ng PBL Press Corps na Player of the Week para sa linggong March 24-29.

“He has earned his minutes because he is really working hard in practice,” ani Toyota Otis coach Ariel Vanguardia ukol kay Jaime na nababad sa court sa huling dalawang laro ng Sparks sa kanyang average na 27.5 minuto sa court.

Nasa ikatlong taon na si Jaime sa Rey Oben franchise at nagpamalas ito ng kanyang pinaka-impresibong game sa unang panalo ng Sparks sa San Mig Coffee nitong Martes, 92-86 kung saan umiskor ito ng dalawang tres at 4-of-7 from the 2-point field sa kanyang season-high na 17- points.

Pinatunayan naman ni Jaime ang kanyang halaga sa Toyota nang banderahan nito 85-74 pa-nalo sa Noosa Shoes, sa kan-yang13 points, sa 5-of-10 shooting bukod pa sa 9 rebounds, isang steal at block shot.

Show comments