Tigers nagparamdam
Ipinaramdam ng Co-ca-Cola Tigers ang kanilang lakas nang muli nilang pasadsarin ang karibal na Talk N Text, 87-79 bilang opening game ng 2007-2008 PBA Philippine Cup na ginanap sa Panabo Multi-Sport Center sa Davao del Norte ka-gabi.
Bumangon sa 15-point deficit sa third period ang Coke sa pamamagitan nina Nick Belasco at Mark Macapagal na kumamada ng tigalawang tres upang kunin ang trangko tungo sa kanilang buwenamanong tagumpay.
Na-injured ang isang import ng Coke na si Calvin Cage ngunit nagawa pa ring makaabante ng Tigers sa 68-61 mula sa dalawang dikit na tres ni Macapagal nakuha mula sa Ginebra Gin Kings.
Dumikit ang Phone Pals na minamando ng bagong coach na si Chot Reyes sa 70-73 ngunit dalawang dikit na tres ni Belasco, nakuha ng Coke sa Welcoat ang naglayo sa Tigers sa 81-79, 2:04 minuto na lamang.
Magpapatuloy ang aksiyon sa Araneta Coliseum ngayon sa paghaharap ng Air21 at ang naghahanap ng coach na Welcoat ngayong alas-4:30 ng hapon bago ang salpukan ng Red Bull Barakos at Ginebra sa alas-6:50 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Babanderahan nina De Ocampo, Santos, Arboleda, Canaleta at import Steve Thomas ang Air21 katapat sina dating San Diego slot-man Jason Keep at 6’1 Corey Santee ng Welcoat na pansa-mantalang gigiyahan ni interim mentor Caloy Garcia.
Sa ikalawang laro, mangunguna sa Red Bull Barakos si seven-footer Adam Parada, miyembro ng Mexican national team, kontra kay 6’7 Rahshon Turner ng Ginebra.
Coca-Cola 87 -- Cage 19,
Talk ‘N Text 79 -- Mc-Ghee 24, Allado 12, Wa-shington 12, Cardona 9, Ritualo 7, Peek 6, Alapag 4, Belano 3, Carey 2.
Quarter-scores: 15-25; 30-40; 62-59; 87-79. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending