Matapos ang rematch nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at Mexican Juan Manuel Marquez, ang muling pagkikita naman nina world bantamweight champion Gerry Peñalosa at Thai challenger Ratanachai Sor Vorapin ang masasaksihan.
Nakatakdang idepen-sa ng 35-anyos na si Peñalosa ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown laban sa 31-anyos na si Vorapin sa Ab-ril 6 sa Araneta Coliseum.
Ito ang kauna-unahang title defense ni Peña-losa matapos agawin ang WBO bantamweight belt kay Mexican Jhonny Gonzales via seventh round KO noong Agosto 11 sa Arco Arena sa Sacramento, California.
“Siyempre, gusto kong maging successful ang unang title defense ko against Vorapin kaya ma-haba ang naging preparasyon ko sa fight namin,” ani Peñalosa.
Iaakyat ni Peñalosa ang 52-6-2 win-loss-draw ring record kasama ang 35 KOs, samantalang tangan naman ni Vorapin ang 72-9-0 (48 KOs).
Tinalo na ni Peñalosa si Vorapin sa kanilang unang pagkikita noong Nobyembre 25 ng 2000 sa Casino Filipino Amphitheater sa Parañaque mula sa isang sixth round KO para mapanatili ang World Boxing Council (WBC) international super flyweight title.
“Matagal na rin naman ‘yon at inaasahan kong may improvement na rin namang nangyari kay Vorapin,” sabi ni Peñalosa, dating hari ng WBC super flyweight division.
Bago ang split decision ng kanyang kumpareng si Pacquiao kay Marquez para maagaw ang suot nitong WBC super featherweight crown noong Marso 15 sa Las Vegas, Nevada, naki-sabay si Peñalosa sa training sa Wild Card Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach. (RCadayona)