Baseball Philippines Season 3 hahataw na
Magbubukas na ang Baseball
Ayon kay BP operations manager Leslie Suntay, inaa-sahan nilang mas mahigpit ang labanan ngayon sa pagpasok ng expansion teams Antipolo, Batangas at Nueva Ecija at ang pagdating ng mga bagong taento.
“Its going to be a very exciting new season, there are lots of things to expect in Season 3,” ani Suntay.
Pinanatili ng Dolphins ang core ng team na naghari sa Season 2, kabilang ang MVP hurler na si Joseph Orillana at ang mahusay na troika nina Emerson Atilano, Miggy Corcuera at Jonash Ponce.
“Sabi nila team to beat kami pero tingin ko mahirap ang season na to kasi balanse ang field,” wika ni
Nakatutok ang atensiyon sa Harbour Centre-backed Manila Sharks, ang Series 2 runners up, at sa PTC-sponsored Makati Mariners, pilot series titlists na magsasagupa sa main game sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng Cebu at Taguig na mag-bubukas ng bagong baseball season sa alas-7:00 ng umaga na susundan ng 10:30 showdown ng Batangas Bulls, na suportado ng City of Lipa, at Dumaguete Unibikers sa la-rong mapapakinggan ng live sa DZSR Sports Radio 918.
Ang BP series 3 ay inoor-ganisa ng Community Sports at suportado ng Mizuno, Gato-rade, Purefoods, Industrial Enterprises, Inc., Philippine Transmarine Carriers, Inc., Harbour Centre, The Heritage Park at Welcoat Paints.
Ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Amateur Baseball Association, Philippine Umpires Association at DZSR Sports Radio ang mga event partners.
Nakabye sa unang araw ng kompetisyon ang Nueva Ecija Palayanos, na kumuha lamang ng isang pitcher na si Ronald Baclay sa draft noong nakaraang season dahil sariling players ang kanilang ilalaban at gayundin ang Antipolo Pilgrims.
- Latest
- Trending