6 Luzon qualifier pa-Boracay
Ang Far Eastern University, Philippine Christian University at ang University of Perpetual Help-Dalta sa men’s class at ang Adam-son University, FEU at Lyceum of the Philippines na-man sa women’s division.
Ang anim na koponan ay bibiyahe patungo sa national championships sa Boracay sa Abril 24-26.
Iginupo nina Jerry Mabutol at Edjet Mabbayad ng FEU sina Jhester Tuante at Gabriel Usman ng Philippine Christian University, 21-13, 21-9, sa finals ng men’s category, samantalang binigo naman nina Rizza Jane Laguilles at Angela Benting ng Adamson sina Wendy Ann Semana at Shaira Gonzales ng FEU, 21-17, 19-21, 15-7, sa Luzon eliminations ng 12th Nestea Beach Volley kahapon sa Island Cove Resort and Leisure sa Cavite City.
“Excited since first time naming magkasama sa Nestea tapos makakapun-ta pa kami kaagad sa Bora-cay,” wika ng 6-foot-2 na si Mabutol, ang top scorer sa UAAP beach volleyball tournament na pinagharian ng mga Tamaraws.
Matapos matalo
Makakasabay nina Ma-butol at Mabbayad ng FEU sa biyahe sa Boracay sina Tuante at Usman ng PCU at sina Aristian Sartin at Marcelo Joaquin, Jr. ng Perpetual Help, tumalo kina Angelo Espiritu at Eddie Macdon ng St. Benilde, 21-16, 21-17, para sa ikatlo at huling tiket.
Makakasama nina Laguilles at Benting ng Adamson sa Boracay sina Semana at Gonzales ng FEU at Dahlia Cruz at Syvie Gay Artales ng Lyceum, gumitla kina Cathlea Villaluz at Charmaine Sanchez ng PCU, 21-14, 23-21.
Ang Visayas elims ay hahataw naman sa Abril 8-10 sa University of St. La Salle sa
- Latest
- Trending